Press "Enter" to skip to content

Alden Richards, “forever fanboy” of John Lloyd Cruz, Bea Alonzo

Sa ginanap na online mediacon para sa muling pagpirma ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa GMA-7, kung gaano ka-espesyal ang ginawang contract signing niya ay nangangahulugan lamang na ganung kalaki ang pagpapahalaga kay Alden ng Kapuso network.

Sinimulan naming tanungin ang GMA-7 Senior VP for Entertainment na si Ms. Lilybeth Rasonable kung maituturing na si Alden ang most prized artist ng network ngayon.

Ayon naman kay Ms. Lilybeth, “Siyempre, isa siya sa most prized. Hindi naman maikakaila iyon and I think, we saw that today.

“So he’s one of our most prized Kapuso artists.”

ALDEN THANKFUL FOR KAPUSO NETWORK’S TRUST

At para naman kay Alden, “limitless,” ang paglalarawan niya sa kanyang mahigit isang dekadang career bilang isang Kapuso.

Kahapon, October 15, ay muli nga itong nag-renew ng kanyang kontrata bilang isang Kapuso. Ginanap ang contract signing sa EDSA Shangri-La Hotel at ayon kay Alden, ito raw ang pinaka-gusto niyang contract signing.

Halos lahat kasi ng bosses at executives din ng GMA-7 ay present. Yung iba ay virtual ang participation.

Ayon pa kay Alden, “Of course, GMA first trusted me. Of all the people, of all the networks. GMA gambled on me. Hindi sila sigurado pero they decided na bigyan natin ng risk yung Alden Richards.

“So parang ako naman, being a newbie during that time, sino ba naman ako para to take that opportunity for granted? The only thing I can do is to work hard wholeheartedly, passionately and parang it’s the least I can do for the trust, e.”

Dugtong pa niya, “Yun kasi siguro ang isa sa pinakamahirap makuha when it comes to relationship, yung trust. Because it’s the basis of all relationships.

“So for you to be able to be given that kind of trust by one of the biggest networks in the Philippines… I mean, the biggest network in the Philippines… parang yun na lang ang puwede kong ibigay na kapalit.

“And I said limitless because throughout the years that I’ve been in GMA, yung mga nagagawa kong trabaho under their wings and outside their wings is also limitless.

“And what I appreciate about my bosses in GMA and all GMA Artist Center, they really gave me an opportunity to fly further by doing projects outside the wall of the network.

“At hindi nila ko, kumbaga, nire-restrict na ‘dito ka lang.’ Walang ganun.

“Hindi po ako nare-restrict with the potential that I can give because I can give more. So pinayagan po nila ako to do projects even outside.

“So with those kind of moments na nangyayari sa akin, lalo talagang natatanim sa puso ko na tama yung desisyon ko to be with GMA and to stay with GMA.”

At tahasan nga niyang sinabing, “Siguro until the end of my career.”

ALDEN REAFFIRMS LOYALTY TO KAPUSO NETWORK

Sa mga lipatan ng mga artistang nagaganap, nakapagbitiw siya ng salita na “’til the end of my career” ay nakikita niyang mananatili siyang isang Kapuso.

At sa parte niya, Kapuso na siyang talaga mula umpisa ng showbiz career niya. Kaya tinanong namin ito kung ano para sa kanya ang ibig sabihin ng “loyalty begins and ends with ______.”

“Grabe, pang-beauty pageant naman ang tanong,” hirit ni Alden.

Saka niya sinagot na, “Loyalty begins and ends with gratefulness po for me. It begins with gratefulness and ends with gratefulness.

“Kasi, sa buhay naman po natin, our life is made of choices and no matter what choices we make, when it comes to loyalty, we just always need to be grateful to the people who have been there, who helped us, who guided us, who have been part of our journey.

“So parang with that kind of attitude po, there’s no mistake na doon. Wala ka nang pagkakamali doon. The thing is that we are grateful and even though you’re saying goodbye to them, you’re still grateful to those people.

“I think, loyalty begins and ends with gratefulness po.”

ALDEN CONFESSES TO BEING “FOREVER FANBOY” OF JOHN LLOYD CRUZ AND BEA ALONZO

Sa isang banda, matagal nang napapabalita ang paglipat at pagiging Kapuso ni John Lloyd Cruz.

Kung sakali at magtutuluy-tuloy nga ito, posible kaya ang isang Alden Richards, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz teleserye?

“Mas game pa po sa game,” ang mabilis na sagot naman ni Alden.

“Kasi idol ko po ang dalawang iyon. And a few years back, there was a Christmas party at parehas po kasi kami ng stylist ni JLC at saka ni Bea. So nagkita kami doon and parang sa buong buhay ko po ng pagiging artista, first time ko pong naging fanboy.

“Kasi sobra ko pong idol ang dalawang iyon and to be given an opportunity to work with them in a project, aba po, let’s go, ngayon na! Kahit bukas na po ang quarantine, game po ako.”

Dugtong pa niya, “Hindi pa ako artista, fan na ako ng loveteam nila. Siguro forever fanboy ako ng team-up na iyon.”

ALDEN VOWS TO STAY HUMBLE AMID FAME

Sabi namin kay Alden, tinatawag pa rin niya ang sarili na fanboy gayong kung tutuusin, siya itong idol naman ng halos lahat na yata ng Kapuso stars at mga lumilipat na artista sa GMA-7.

“Naku, thank you, thank you po! Nahiya ako,” pagpapakumbaba ni Alden.

At saka naalala ni Alden na nag-uusap lang daw sila kamakailan ng handler niyang si Leysam Sanciangco at sinariwa nila ang pagsisimula niya noon.

“Sabi niya, ‘Dati, ikaw ang nagsasabi na idol mo sila pero ngayon parang vice versa na.’

“Parang it’s an honor po for me at isa po iyon sa mga bagay na parang sinasabi na dapat hindi ka magbago.

“Kasi ganoon ka nakita ng mga taong ito, at yun ang isa sa mga things about you na nilu-look-up nila. So all the more po na kailangang magpakababa at maging humble sa mga gawain.”

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.