Press "Enter" to skip to content

Ano ang nag-udyok kay Aljur Abrenica na ibunyag ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Kylie Padilla?

Sad but true.

Malungkot at mabigat ang akusasyon ni Aljur Abrenica na unang nagtaksil ang kanyang estranged wife na si Kylie Padilla kaya naghiwalay sila.

Pero ginagawa itong katatawanan ng ilang netizens na entertainment pa rin ang tingin sa kuwento ng pagkawasak ng isang pamilya at may dalawang inosenteng bata na sangkot.

At press time, meron nang 290,000 reactions, 216,000 comments,at 157,000 shares ang hindi inaasahang rebelasyon ni Aljur sa kanyang official Facebook page.

Hati ang reaksiyon ng publiko tungkol sa kontrobersiyal na Facebook post ni Aljur.

May mga netizen na nauunawaan ang pinagmumulan ng kanyang mga sentimyento, pero mas marami ang hindi pabor sa ginawa niya dahil si Kylie pa rin ang ina ng kanyang mga anak.

Marami ang nagtatanong sa motibo ni Aljur at kung ano ang nag-udyok sa kanya para ilabas ang kinikimkim na saloobin dahil wala silang natatandaang nagsalita si Kylie nang masama laban sa kanya.

Dahil sa kanyang Facebook post tungkol sa isang mabigat na paratang, binigyan ni Aljur ng rason ang mga tao para husgahan sila ni Kylie sa “Court of Public Opinion.”

May mga netizen naman na pinaglalaruan ang isang maselang isyu dahil tina-tag nila sa kanilang mga komento si Kylie Jenner at ang mga kapatid nito, si Kendall, at ang popular Kardashian sisters na sina Kim, Kourtney at Khloe.

Dahil sa kapangyarihan ng social media, imposibleng hindi makarating sa mag-iinang Jenner-Kardashians ang mga tagged comment sa kanila tungkol kina Aljur at Kylie. Kaya parang nai-imagine natin na ang kanilang reaksyon, sabay-sabay silang magkakatinginan at chorus na magsasalita ng “The who?!!!”

May mga kumukutya rin sa desisyon ni Aljur na isulat sa wikang Ingles ang kanyang mga rebelasyon na sagana sa grammatical errors dahil higit na makakaintindi ang mga nagbabasa kung ginamit niya ang Tagalog na pananalita.

Habang naghihintay ang mga sumusubaybay sa isyu sa magiging reaksiyon ni Kylie, muling bumabalik ang mga haka-haka na bukod sa matindi na paratang ni Aljur, may kinalaman din diumano ang usaping pera sa kanilang paghihiwalay.

Higit sa lahat, inaabangan ng publiko ang sasabihin ni Robin Padilla tungkol sa isyu dahil kilala siya bilang mapagmahal at mapagprotekta na ama.

Si Robin ang unang nagbunyag sa publiko na hiwalay na ang mag-asawa at third party umano ang dahilan.

Pero hindi agad nagsalita si Kylie dahil pinoprotektahan daw nito si Aljur bilang ama ng kanilang dalawang anak.

Kakandidatong senador si Robin sa halalan sa 2022 at sa mga ganitong pagkakataon, hindi niya kailangan ng mga isyung makasisira sa kanyang konsentrasyon sa pangangampanya kaya, kahit papaano, makakaapekto ang aksyon na ginawa ngayon ni Aljur.

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.