Press "Enter" to skip to content

Arjo Atayde reveals what he told Maine Mendoza before running in the 2022 elections

Inihayag ni Arjo Atayde ang naging pag-uusap nila ng kasintahang si Maine Mendoza nang madesisyon siyang sumabak sa 2022 elections.

Si Arjo ay kakandidatong kinatawan ng unang distrito ng Quezon City.

“To be honest, una medyo ano siya… Kasi alam niyang magulo ang mundo ng pulitika.

“But I gave her promise to behave, and walang kalokohan sa loob.

“My will is just to serve nang tapat at tunay sa mga tao,” pahayag ni Arjo.

Base ito sa panayam ni Julius Babao sa Kapamilya actor noong October 12.

Pero base sa mga sumunod na salita ni Arjo, tila walang aktibong papel si Maine sa kanyang kampanya.

“Being the girlfriend that she is, like I said, she became supportive. Pero ayoko lang siya mapalapit kasi magulo nga.”

Sapat na raw kay Arjo na ipinaalam niya sa pamilya ni Maine at pati sa pamilya niya ang pagnanais na pasukin ang mundo ng pulitika.

“Her whole family is supportive. Ayokong makisama, but knowing that they are supportive, my family is supportive…

“Of course, it’s my battle. Gusto ko lang maging maayos yung mga bagay-bagay na puwede ko ayusin at alam kong kaya ko ayusin without having anyone involved with me anymore.

“Have them beside me, [being] supportive, is good enough to be in this race.”

ARJO CONSIDERS MAINE “THE ONE”

Magtatatlong taon na ang relasyon nina Arjo, 30, at Maine, 26, sa Disyembre 2021.

Naging bukas sa pagsasabi si Arjo na si Maine ang maituturing na “The One” na gusto niyang makasama habambuhay.

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

Nakangiting sagot ni Arjo, “Yes, of course, napag-uusapan ‘yan.

“I’m at the right age, we’re not getting any younger, and we’re both very happy, hopefully, until we get old.

“Ito na po yun, I think so.”

Sinabi rin ni Arjo na “sobrang mahal” niya si Maine at ganoon din ito sa kanya.

“Grabe magmahal, grabe talaga. Iba po, e. I’m overwhelmed with the way she… I love her and she loves me back.”

Nakita raw ni Arjo na mabuti ang puso, sincere, at loyal ang nobya.

Dagdag niya, “I think I found a best friend, a partner. Walang hindrance being myself.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.