Connect with us

Hi, what are you looking for?

Latest Philippine News and Updates – Pmrsc.com

News

Barbie Forteza’s appreciation post for Jak Roberto on his 28th birthday

Barbie Forteza’s appreciation post for Jak Roberto on his 28th birthday

Muling ipinaramdam ni Barbie Forteza, 24, kung gaano niya kamahal at kung gaano siya ka-proud sa boyfriend na si Jak Roberto.

Ngayong araw, December 2, ipinagdiriwang ng Kapuso actor ang kanyang ika-28 kaarawan.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinadama ni Barbie ang kanyang pagmamahal sa nobyo.

Mensahe niya sa kanyang post: “Happy birthday, Mahal! @jakroberto

“Stay driven and grounded. Alam kong makukuha mo lahat ng goals mo kase masipag ka, mahal mo yung trabaho mo at higit sa lahat, mabuti kang tao.

“Tuloy mo lang yan, mahal. Proud na proud ako sayo.

“I love you so much [heart emoji]”

Maiksing tugon ni Jak: “I love you so much [three hearts emojis]”

Nagpaabot din ng pagbati sa kaarawan ni Jak ang kapwa Kapuso stars niyang sina Julie Anne San Jose, Kristoffer Martin, Shaira Diaz, Yasmien Kurdi, Kim Rodriguez, Tina Paner, at Ashley Ortega.

Nitong nakaraang Oktubre, naintriga sina Jak Roberto at Barbie na diumano’y break na o nagkakalabuan daw.

Pero sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipinagkibit-balikat lamang ito ni Jak.

Base kasi sa kanyang mga sagot sa panayam, sinabi nitong excited na si Barbie na mapanood ang bago niyang teleserye sa GMA.

Sabi ni Jak, “Oo, kahit saan siguro ko mag-guest, kahit dumaan lang ako, naku, napaka-supportive po ni Barbs, ng mahal ko na iyan.

“Talagang siya mismo ang nagpu-post, siya mismo ang nagku-congratulate sa akin. Lahat ng ginawa kong project simula nung maging kami, sobrang supportive niya and even ako, nagda-doubt na talaga ko minsan kung hindi ba siya nagseselos.”

Minsan din daw ay tinatanong na nga niya si Barbie kung nagseselos ba ito kapag may maselang eksena siya sa mga serye.

Ayon kay Jak, “Minsan tinatanong ko siya, ‘Okay lang ba sa iyo? Puwede ko namang i-avoid. Puwede ko namang hindi pirmahan yung waiver ng mga kissing scenes.’

“So, alam mo yun? Trabaho lang, at yun ang isa sa magandang bagay na parehas kaming artista, naiintindihan namin ang trabaho namin.

“And even siya rin naman, tinanong niya ako sa vlog niya na it’s about time na magpakita… sabi ko, ‘Ikaw, actress ka naman. Best actress ka naman, e.

“Do what you want.”

Apat na taon na ang relasyon nina Barbie at Jak noong Mayo.

HOT STORIES

pmrsc.com

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Also Like

Entertainment

Don’t deny it: You’re seriously crushing on Choi Byung Chan (also known by his stage name Byungchan) right now. As of this writing, he’s starring...

Entertainment

Korean actor Wi Ha-joon is basking in the glory of the success of “Squid Game” and said he was excited to work with one...

Entertainment

Domz Ramos Fahsion designer Domz Ramos has apologized to broadcaster Ganiel Krishnan over his “Miss World or nothing remarks” recently. The full post of...

Entertainment

Jan Milo Severo – Philstar.com October 5, 2021 | 2:59pm Kylie Padilla and Aljur Abrenica at the 2019 ABS-CBN Ball Philstar.com / Kat Leandicho,...