Press "Enter" to skip to content

Derek Ramsay at Ellen Adarna, sa November gaganapin ang destination wedding

GORGY RULA

Hindi pa rin nagbibigay ng detalye sina Derek Ramsay, 44, at Ellen Adarna, 33, tungkol sa kanilang kasal.

Mahigpit kasing ipinakiusap sa mga imbitado na huwag sabihin ang eksaktong petsa at kung saan gaganapin ang kasal ng dalawa.

Pero ayon sa nasagap ng PEP Troika, sa November na gaganapin ang kasal nina Derek at Ellen pero hindi ibinigay sa amin ang eksaktong date.

Destination wedding daw ito na gaganapin sa isang resort na malayo sa Metro Manila.

Sabi ng ilang napagtanungan namin, sa isang bundok gaganapin ang wedding pero may beach sa bandang ibaba. Kaya maaaring doon na rin diretso ang reception.

Hindi pa raw umabot sa limampu (50) ang imbitado sa kasal kabilang na ang nasa entourage.

Konti lang daw ang ninong at ninang, at iilan lamang ang taga-showbiz.

Kahit si Beauty Gonzalez, na malapit kay Ellen, ay hindi rin kami sinasagot kung kasama siya sa entourage. Pero nakabalik na raw ang Kapuso actress mula sa bakasyon nila ng pamilya niya sa Paris, France.

Ang ilan pang detalye sa seremonya ng kasal ay kagustuhan daw ng mga magulang nina Derek at Ellen na kailangan nilang sundin.

JERRY OLEA

Ngayong Oktubre 18, Lunes, nakapagtala ang Department of Health ng 6,943 na karagdagang kaso ng COVID-19.

“Bagamat bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiiuulat nitong mga nakaraang araw, huwag tayong maging kampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna,” paalala ng DOH sa kanilang Facebook page.

Ang mga kasal-kasal, lamay, birthday celebration, at iba pang pagtitipon ay kailangan pa rin ng lubos na pag-iingat.

Nawa’y mairaos nina Derek at Ellen nang maluwalhati ang kanilang pag-iisang dibdib. Magandang petsa ang Nobyembre 11… 11-11… kung saan pasiklaban muli ang Lazada at Shopee.

Iyan kaya ang petsa ng wedding nina Derek at Ellen? 11-11 ang kaarawan nina Ai-Ai delas Alas, Leonardo DiCaprio, at Demi Moore.

Iyan din ang anibersaryo ng PEP Troika!

Para sa numerologists, isa sa mga pinakamasuwerteng araw ng taon ang 11-11. It is believed to be a day of good fortune and new beginnings!

NOEL FERRER

Ang anniversary ng PEP Troika ay 11-11, at talaga namang auspicious date ito.

Kung ito ang wedding date nina Derek at Ellen, congratulations sa kanila.

So, ibig sabihin, sa pagdating ng birthday ni Derek at sa Kapaskuhan ay isa na siyang pamilyadong tao.

Goodbye na talaga sa pagkabinata! Ang tagal din niya itong hinintay at pinaghandaan.

Our best wishes kina Derek at Ellen! Ang saya lang ng mga ganitong balita!

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.