Press "Enter" to skip to content

Maggie Wilson alludes to “strong reasons” for separation from husband Victor Consunji

Inamin ng dating beauty queen na si Maggie Wilson, 32, na may matinding dahilan sa likod ng hiwalayan nila ng mister na si Victor Consunji, 42.

Naghihintay lang daw siya ng tamang panahon para isapubliko ang buong pangyayari.

Base ito sa Instagram post ni Maggie noong December 26.

Pahayag ni Maggie: “There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea.

“Those reasons will be revealed in time.

“I have been put through so much over the last 3 months and more so the last few years.”

Diin ni Maggie, may pruweba siyang nagsasabi siya ng totoo.

“Judge me all you want. If you think you know, you haven’t seen anything yet.

“I have an entire vault just filled with receipts,” malamang saad niya.

Si Maggie ay actress/host/entrepreneur na nanalong Bb. Pilipinas World noong 2007.

Si Victor ay may pag-aaring construction at development company. Nagmula siya sa pamilya ng construction magnates.

Labing-isang taon silang mag-asawa bago inanunsiyo ni Maggie na hiwalay na sila ni Victor noong September 2021.

MAGGIE’S BUSINESS PARTNER AND FRIEND TIM CONNOR

Tila ang tinutukoy ni Maggie na nahuhushagahan siyang mayroong third party ay dala ng mga espekulasyon kaugnay ni Tim Connor.

Si Tim ay kasosyo ni Maggie at madalas kasama sa mga biyahe niya sa ibang bansa.

Noong December 8, naiulat ang pagtanggi nina Tim at Maggie na nagkarelasyon sila habang may ugnayan pa sila sa kani-kanilang partner noon.

Si Tim ay may long-time girlfriend na kasosyo sa negosyo pero hiwalay na rin daw sila nito.

Noong July 2021, kasama ni Maggie ang mister na si Victor at si Tim ay kasama naman ang foreigner girlfriend sa Maldives nang may daluhan silang kasal ng isa nilang kaibigan doon.

MAGGIE ON RIFT WITH VICTOR OVER CHILD VISITATION

Nitong December 26, isa pang isyung inalmahan ni Maggie ay ang pagsuway ni Victor sa usapan nilang payagan siyang makapiling ang nine-year-old son na si Connor.

“Christmas Day didn’t pan out as planned. I had planned and cooked a beautiful dinner for family and friends with my son over.

“Unfortunately, I was denied that. Over Xmas eve and Xmas day,

“I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior,” himutok ni Maggie.

Dalawang araw raw siyang naghintay sa wala.

“It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him.

“This kind of situation sadly happens in ‘certain’ families and as is seen as ‘normal,”http://www.pmrsc.com/” dagdag niya.

Pero nagpapakatatag daw ng sarili ang beauty queen-model-entrepreneur.

Sa huli, may matalinhagang mensahe si Maggie tungkol sa kanyang kaligtasan.

Aniya: “Lastly, if anything happens to me or anyone close to me, you know where to look.”

Kalakip ng Instagram post ni Maggie ang litrato nila ni Connor.

MAGGIE REUNITES WITH SON CONNOR

Makalipas ang ilang oras, noon pa ring December 26, nag-update si Maggie via Instagram Story na kapiling na niya ang anak.

Sa video ng Instagram Story, makikitang masayang nagbukas si Connor ng regalong laruan mula sa ina.

“So cool!” masayang bulalas ni Connor.

Sa mga binitiwang salita ni Maggie, mahihinuhang masalimuot ang breakup ng marriage nila ni Victor.

Lumalabas ding hindi maayos ang lahat sa pagitan nila, na taliwas sa pahayag ni Maggie noong Setyembre na nanatili silang magkaibigan ng mister sa ngalan ng kanilang anak.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang opisyal na pahayag si Victor sa hiwalayan nila ni Maggie.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.