Press "Enter" to skip to content

Miss Universe PH 2021 Charity Victoria Vincent declines offer to be Miss Universe New Zealand 2021

Tinanggihan ni Miss Universe Philippines 2021 Charity Victoria Velasquez Vincent ang alok na maging Miss Universe New Zealand 2021.

Matapos daw ang ilang diskusyon kasama ang pamilya, kaibigan, at kanyang grupo, napagdesisyunan niyang huwag tanggapin ang offer na i-represent sa Miss Universe 2021 ang bansang kanyang sinilangan at kinalakihan.

Pahayag ni Victoria sa kanyang Instagram post kagabi, October 11, “Shortly after the MUPH coronation night, I was offered to be Miss Universe New Zealand 2021.

“After a week of contemplation, countless discussions with my family, friends and team, I eventually came to the decision to politely decline the offer.”

Posible raw na marami ang magsabing mali siya sa kanyang pagtanggi sa alok, pero alam niyang tama ang kanyang desisyon. Ang gusto raw niya ay magsilbi sa Pilipinas kahit may sabihin pa ang ibang tao laban sa kanya.

Saad ni Victoria, “So many people will say I’m crazy for turning down this opportunity, but I had to choose what I know in my heart was the right thing to do.

“My heart is, and always will be here to serve the Philippines. Some may say I’m not Filipina enough, and that’s ok. I know who I am.

“I know what I stand for. I am a Filipina.”

Nagpasalamat naman si Victoria sa pamunuan ng Miss Universe New Zealand sa kanilang offer sa kanya.

Aniya, “Thank you to the MUNZ org for your kindness. I am endlessly grateful that you had faith in me and offered me the opportunity of a lifetime.

“Thank you to the MUPH org for offering your support regardless of what I decided to do.

“I am so excited to see what the future holds for us, Philippines.

“Victoria Velasquez Vincent

“Miss Universe Philippines 2021 – Charity”

Si Victoria, 25, ay isang architect na born and raised sa New Zealand.

Siya ay may double Master’s degree sa Architecture and Heritage Conservation mula sa University of Auckland.

Ang kanyang ama ay Irish at ang ina naman niya ay mula sa Cavite.

Nag-relocate si Victoria sa Pilipinas ngayong taon, sa kasagsagan ng pandemic, para subukang abutin ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen.

Nais din niyang maipagpatuloy ang kanyang advocacy na makapag-design ng low-cost at sustainable housing para sa underprivileged communities.

HOT STORIES

pmrsc.com

Read Next

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.