Press "Enter" to skip to content

No Eraserheads reunion: Tweet ni Ely Buendia if Leni runs, “half serious joke”

Matapos maghain ni Vice President Leni Robredo ng kandidatura noong October 7, 2021 para tumakbo sa pagkapangulo sa May 22 national elections, dinumog ng netizens sa Twitter ang OPM icon na si Ely Buendia.

Last September kasi, bilang reply sa isang fan ng Eraserheads na nagtanong kung may chance bang mag-reunion ang sikat na banda ay nag-tweet si Ely ng: “Pag tumakbo si Leni.”

Hirit ng netizens kay Ely, dapat nitong tuparin ang naging tweet nito ngayong sigurado nang tatakbo si Leni.

Nagbigay na ng pahayag ang dating Eraserheads frontman.

Sa ginanap na press conference para sa kanyang Superproxies concert noong October 9, sinabi ni Ely, “That answer was far from a political post. I do respect and admire Leni. If I were to vote, she’s my top candidate right now.”

Nilinaw rin niya ang tungkol sa kanyang naging tweet.

“That tweet was a half serious joke maybe, but people made it into a big deal.”

CALCULATED TWEET

Para naman sa drummer ng Eraserheads na si Raimund Marasigan, ang controversial post ni Ely ay isang “calculated tweet.”

Aniya, “I think it’s a calculated tweet. So, you have to read deeper. Sometimes the meaning is beyond the tweet.”

Inamin din niya na wala siyang alam na anumang planong reunion para sa Eraserheads.

Paglinaw ni Raimund, “Let’s just address it here para isang sagutan na lang. One, I do not know of anything.

“If it’s anything about the ‘Heads playing together, my policy is tell me about it when I’m ready to sign and rehearse.”

Hindi rin niya nakikita na nalalagyan ng kulay pulitika ang kanilang banda dahil sa tweet ni Ely.

Dagdag niya, “I don’t think it was a band thing. Personally, I don’t think about it.

“I don’t think about it politically. I thought it was funny.”

Na-disband ang Eraserheads noong 2002. Huli silang nag-perform na magkakasama noong 2016.

pmrsc.com

Read Next

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.