Press "Enter" to skip to content

Sharon Cuneta slams trolls: “Pag sumagot ka sa bashers, galit sila.”

Nagpupuyos pa rin ang galit ni Sharon Cuneta sa mga bashers at trolls.

Hindi kasi siya tinantanan ng mga ito dahil na rin sa kanyang mahabang post ukol sa mga netizens na bumira sa kanya sa Facebook noong nakaraang October 13.

Kahapon, October 16, isang photo message ang ibinahagi ni Sharon sa kanyang Instagram account.

Mababasa rito: “Apparently, when you treat people the same way they treat you they get offended.”

Sabi niya sa caption, wala ka daw laban sa mga bashers sa social media dahil kung sagutin mo sila ay ikaw pa ang sasabihing masama.

Giit niya, noong taong 2016 pa lamang ay napansin na niya ang sumosobrang kabastusan ng ilang netizens.

Buong caption ni Sharon, “Pag sumagot ka sa bashers, galit sila. Kahit di ikaw ang nag-umpisa at nagrereact, nagsasabi lang ng facts. At least pinapakita nila ang 2016 pa nating alam: sumobra na ang pambabastos sa kapwa.”

Nag-ugat ang pagparinig ni Sharon sa netizens noong hayagan siyang binash ng mga ito sa Facebook dahil sa kanyang pagpapakita ng suporta sa asawang si Senator Kiko Pangilinan at Vice President Leni Robredo na tumatakbong vice president at president respectively, sa 2022 elections.

Reklamo pa ng singer-actress, “I was already expecting lots of trolls and haters to descend on this page once i posted about VP Leni and Kiko.

“Sadly, this is what this present administration has created and instilled in our people.

“Now, lumalabas na ang pagkabastos at pagkawalang disente ng marami sa ating mga Pilipino.”

Tanong pa niya, “Kundi na tayo marunong rumespeto sa isa’t isa, paano tayo rerespetuhin ng mundo?

“Nasaan na ang tunay na bayanihan? Noong araw, nagrerespetuhan tayo ng kanya-kanyang paniniwala at kandidato pag kampanya at eleksiyon na.

“Magkakitaan na lang sa kung sinu-sino ang mahalal. Ngayon, ganito na—bastusan. Yan ang dapat ma-erase.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.