Press "Enter" to skip to content

SUCCESS STORY: Strategies ng gamer para maging #1 sa Aeronautical Engineer Licensure Exam

Topnotcher si Guiseppe Andrew Buffe, 27, sa rating na 91.60% sa Aeronautical Engineer Licensure Exam nuong November 2016.

Tubong Camarines Sur si Andrew na clueless pa nga daw noong high school siya kung ano ang aeronautical engineering, ang nirekomendang course sa kanya ng ama.

Sa udyok ng ama, iyon ang kinuhang course nito nang magkolehiyo.

Sa Philippine State College of Aeronautics sa Pasay City kumuha si Andrew ng entrance exam nang magtapos siya ng high school.

Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 18, 2021, sa pamamagitan ng telepono.

Sa artikulong lumabas sa gineersnow.com tungkol sa topnotcher noong February 2021, sinabi niyang gaya rin lang siya ng ibang ordinary engineering student.

Nabanggit rin niya sa PEP.ph na isa siyang Taguig City scholar.

to aspiring engineers: manage your time, stick to basics

Kung mayroon man umano siyang edge, marunong siyang mag-manage ng time—at kaya niyang balansehin ang kanyang oras.

Ito ay kahit pa na isa siyang certified gamer at mahilig noon sa League of Legends (LoL).

Aniya, “I suggest having a ‘me-time’ and a ‘we-time’ in studying.

“In my case, I am able to comprehend more about a subject when I study it alone at first or ‘me-time.’”

Nagtatanong din daw siya sa mga kaklase o humihingi ng tulong sa mga ito kung minsan.

“When I fully understand it, I can do sample problems with others or ‘we-time’ in which we can share additional information and shortcuts.”

Ipinayo rin niya sa mga engineering students na dapat mag-exert sila ng effort para maintindihang mabuti ang bawat topic.

Pasubali ni Andrew, “Since in college, not everything is tackled in class and not everyone will be there to teach you.

“Gather good references, invest in a reliable calculator, and personal computer for those with computer-aided design [CAD] subjects.”

Gusto rin niyang mabago ang pananaw ng mga marami tungkol sa aeronautical engineering, o sa engineering courses in general.

Pagbabahagi pa ng binata, “People should also refrain from thinking that when someone is not that good in math or science, means that they must not take engineering courses.

“I believe that with the proper study habits, frequent practice, and a little help from anyone will make you survive aeronautical engineering.”

Malaking bagay ang pag-e-enroll niya sa review center dahil may mga instructors na mas malinaw magpaliwanag, mas nakakapag-provide ng importanteng review materials, at mas gamay nila ang saklaw ng exam kaya maiiwasan ang information overload.

Sabi niya, “This will make you overthink and overstudy even the topics you haven’t encountered during your college days.

“But as what our instructors and previous board takers told us, always stick to the basics.”

Besides, nagmistulang breather para sa kanya ang group reviews.

Dagdag ni Andrew, “It gave me a break from the five consecutive days reviewing at home, and allows you to have a fun review with your colleagues, and at the same time, keeps your sanity.”

Aminado naman siyang mahirap talaga ang aeronautical engineering board exam.

“Because, although several items are about the basics, there are few in which you can consider that more than one among the choices are correct.

“Also, some of the computations are tedious and somehow tricky.

“I remember deriving the formula for one item, then found out that all it needed was some unit conversions. I also guessed the answers to some.”

BAWASAN ANG ORAS SA COMPUTER GAMES, SOCIAL MEDIA

May mahahalaga rin siyang payo sa mga kukuha ng board exam.

Kahit naglalaro siya ng LoL, binawasan talaga niya ang oras para dito, gayundin ang social media.

“Maybe a few days before an examination or months before board exams.”

Sa karanasan kasi niya, iyon ang pangunahing dahilan kaya hindi siya maka-focus kapag may study sessions.

Dapat ding may komportable at tahimik na room na walang distractions.

“Organize the most effective schedule for each subject.

“As much as possible, review the subjects with computations within the months closest to the examination dates.

“Relate what you’ve learned in one subject to other subjects.”

Mag-schedule rin aniya ng oras kada araw kung kailan magsisimulang mag-review at kung kailan hihinto. Magkaroon din ng sapat na pahinga.

At ang pinakamahalaga niyang payo, “Never study while hungry.”

NAGLALARO NG LoL NANG LUMABAS ANG RESULT NG BOARD EXAM

Kahit umaasa si Andrew ng mataas na score sa board exam, hindi niya inakala na siya ang magiging topnotcher dahil maraming mahuhusay sa kanilang klase at maging sa ibang school.

Aniya, “I even assumed that they were more prepared because I heard that some already started review classes a month after graduation.

“Actually, I topped our pre-board exam, but I hid it from my family so that they won’t expect much and be disappointed if expectations are not met.”

Naglalaro umano siya ng LoL nang lumabas ang resulta.

Dahil ibinalita agad ng kanyang pamilya sa kanilang mga kamag-anak sa Facebook na topnotcher siya, nag-log out siya sa kanyang account kasi bumaha ang notifications at mga mga mensahe ng pagbati.

Pagbabahagi ni Andrew, “I was just quietly playing LoL that moment because I’m not that expressive like the others. But of course, I’m happy and thankful inside.”

Bukod sa Diyos, kanyang pamilya at mga kamag-anak, pinasalamatan ni Andrew sa kanyang tagumpay ang kanyang math mentor noong high school na tinulungan siyang magkaroon ng magandang foundation sa subject.

Connected ngayon si Andrew sa Cebu Pacific bilang aircraft engineer.

Single pa siya, at kasalukuyang nag-iipon dahil gusto muna niyang maipagpatayo ng bahay ang kanyang parents.

Kapag may free time, nanonood siya sa Netflix at naglalaro pa rin ng mobile games.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.